SUPORTADO | Sim Card Registration Bill, posibleng maaprubahan sa ikatlo’t huling pagbasa ng Kamara

Manila, Philippines – Posibleng maaprubahan na sa ikatlong huling pagbasa ng Kamara ang house bill 7233 o Sim Card Registration Act kasabay ng pagbabalik sesyon ng kongreso sa susunod na buwan.

Ayon kay House Deputy Speaker, Aambis-Owa Partylist Representative Sharon Garin – makakatulong ang panukalang batas sa mga law enforcement agencies na tugisin ang mga kriminal na gumagamit ng mobile phones na may prepaid o postpaid sim card sa kanilang maling aktibidad tulad ng kidnapping for ransom at pagnanakaw.

Imamandato ng panukala ang mga Public Communication Entity (PTE) o direct seller ng mga sim cards na i-require ang mga bibili o gagamit nito na magpakita ng valid ID na may litrato.


Maging ang mga dayuhan ay kailangang ding magparehistro.

Umaasa ang kamara na susuportahan ng senado ang nasabing panukala.

Facebook Comments