SUPORTADO | Special Assistant to the President Bong Go, suportado ang nilagdaang EO laban sa kontraktwalisasyon

Manila, Philippines – Sinuportahan ni Special Assistant to the President Bong Go ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order na nagbabawal sa kontraktwalisasyon.

Ayon kay Go, nararapat lang na matigil na ang mga ilegal na uri ng kontraktwalisasyon alang-alang sa mga Pilipinong manggagawa.

Aniya, dahil sa pag-iisyu ng kautusan ay naging positibo at matibay ang katayuan ng gobyerno na protektahan ang karapatan ng mga mangggawa.


Ani Go, itatama nito ang hindi balanseng interes ng employer at ng employee.

Pero sinabi ni Go, kinakailangan pa ring maamyenda ang kaukulang batas para rito sa pamamagitan pagsuporta sa security of tenure bill na dinidinig sa Kongreso.

Samanatala, paglilinaw naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang pagbabawalan lamang ng EO ay ang mga illegal contracting at subcontracting kung saan ito ang mga trabaho na outsourced, seasonal o project-based.

Facebook Comments