Manila, Philippines – Muling isinulong ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang pagbabalik ng death penalty.
Ayon kay VACC Spokesperson Arsenio “Boy” Evangelista, dapat gawin sa harap ng publiko ang pagpaparusa ng kamatayan sa mapapatunayang kriminal.
Ito ay para umano matakot ang mga kriminal sa paggawa ng krimen.
Suportado naman ng Philippine National Police (PNP) ang muling pagbuhay ng parusang kamatayan.
Sa interview ng RMN DZXL Manila kay PNP Spokesman Chief Superintendent John Bulalacao, makakatulong ang death penalty upang mapababa ang crime rate sa bansa.
Hindi naman pabor dito ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) dahil hindi epektibong paraan ang parusang kamatayan sa pag pigil ng karahasan sa Pilipinas.