Suportahan ang BBL at Pederalismo panawagan ni Baste sa kanyang pagbisita sa Maguindanao

Labis namang ikinatuwa ni Presidential son Sebastian Baste Duterte ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mamamayan ng Maguindanao kanina sa bayan ng Buluan Maguindanao. Bumisita si Baste sa Buluan Maguindsnso bilang isa sa guest of honor sa pagdiriwang ng 2nd Inaul Festival. Akala ni Baste ay laos na siya subalit sa kanyang pagtungo sa Buluan ay pinalakpakan siya at tinilian. Nagalak din diya sa ibat ibang palamuti na makikita sa Buluan dahil sa pagdiriwang ng Inaul festival na ayon kay Baste ay kulturang atin kulturang Pinoy.
Nanawagan din siya sa mga taga Maguindanao na suportahan ang isinusulong na BBL at Pederalismo na aniyay magpapabago sa buhay ng mga Pilipino. Kabilang din sa naging guest of honor si actor/chef Romnick Sarmenta. (Amer Sinsuat)

Facebook Comments