Suportahan ang kampanya laban sa iligal na droga – Malacañang

Manila, Philippines – Muling nanawagan ng suporta ang Malacañang para sa mas matagumpay na kampanya laban sa iligal na droga sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, tulad ng palaging sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang tagumpay ng kampanya laban sa illegal drugs ay nakasalalay sa lubos na suporta ng taumbayan.

Pero muling nilinaw ni Pangulong Duterte na kailanman ay hindi niya ipinag-utos ang pagpatay sa mga inosente.


Sabi ng pangulo, ang tanging utos niya sa mga otoridad kasabay ng war on drugs, ay lipulin ang mga sangkot sa organisasyon at operasyon ng bawal na gamot.

Ipinunto pa ng pangulo na droga at hindi rebelyon ang naging sanhi ng kaguluhan sa Marawi City.

Facebook Comments