Suportahan natin ang BARMM!-GMSM

Suportahan na lang natin ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa halip na kwestyunin ang kakayanan ng mga opisyales nito.
Ito ang naging pahayag ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu kasabay ng tila malaking hamon na kinakaharap ngayon ng mga BARMM Officials sa loob na unang taon nito na pamamahala sa Bangsamoro Region.
Hindi aniya maikukumpara ang mga inisyatiba ng mga BARMM Officials lalo na sa mga politiko na matagal na sa larangan ng pamamahala sa gobyerno dagdag pa ni Governor Bai Mariam.
Halos 50 na taon aniya ang naging paghihirap at pakikibaka ng mga ito para lamang makamit ang ninanais na pamamahala para sa Bangsamoro.
Gaya ng BARMM Government ,aminado rin si GMSM na hindi aniya nito makakayang matutukan ang 36 na bayan ng lalawigan at maiaayos sa loob lamang ng 36 na buwang panunungkulan bilang ina ng probinsya kung hindi makikipagtulungan sa kanyang administrasyon ang lahat ng sektor. (D.A)

Facebook Comments