Suportang ibibigay sa mga Pilipinong lalaban sa Tokyo Paralympics, tiniyak na gobyerno

Tiniyak ng gobyerno at ng iba pang pribadong sektor ang pinansiyal na suportang ibibigay sa mga Filipino para-athletes na lalahok sa Tokyo Paralympics.

Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez, magiging triple ang ibibigay na allowance ng ahensiya sa Filipino para-athletes, coaches, at officials.

Mula sa dating P50,000 ay tataas na ito sa ₱150,000.


Patuloy naman ang pasasalamat ni Ramirez sa mga kinatawan ng Pilipinas at umaasang magiging inspirasyon ito sa maraming Pilipino.

Matatandaang sa ilalim ng Republic Act 10699, makakatanggap ang isang Paralympic gold medalist ng ₱5 million, silver medalist na ₱2.5 million at ang bronze medalist na ₱1 million.

Ang Tokyo Paralympics ay gaganapin mula August 24 hanggang September 5.

Facebook Comments