SUPORTANG PANGKABUHAYAN NG DTI – PPG SA PROBINSYA NG PANGASINAN, NAGPAPATULOY

Nagpapatuloy ang pamamahagi at pagsuporta ng Department of Trade Industry sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan ng Pangasinan.
Ito ay ang ilang araw ng pagsagawa ng Entrepreneurship Seminar Cum Awarding of Livelihood Kits sa ilalim ng DTI- Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (DTI-PPG) program.
Sa pangangasiwa ng DTI Pangasinan Provincial Director na si Natalia Basto-Dalaten kasama ang mga alkalde ng bawat lokal na pamahalaan, matagumpay na naihandog sa mga negosyante sa mga lokal na pamahalaan ng Mangaldan, Anda, Bolinao, Binalonan, Alcala, Bayambang, Binmaley, San Manuel, at Infanta ang mga kabuhayan kits.

Ang mga ipinagkaloob naman na mga Livelihood kits ay binubuo ng mga sari-sari store kits, manicure at pedicure, bigasan at Cacao Processing. Kasama rin ang pagbabahagi ng Bakery, Carinderia at Salon.
Layuning ng programang Pangkabuhayan ng DTI-PPG at ang Livelihood Seeding and Entrepreneurship Development Program na magbigay tulong para sa mga residente na apektdo ng mga sakunang kalamidad at ang tyansang makapagtayo ang bawat benepisyaryo ng sariling hanapbuhay na makakatulong sa pag-unlad ng kanilang pamilya at komunidad. |ifmnews
Facebook Comments