Suporter ng Isang Kandidato na Ginulpi Bago ang Eleksyon, Matagumpay na Nakaboto!

*Gamu, Isabela- *Nakaboto rin ng maayos ang isang suporter ng kandidato makaraang damputin at bugbugin sa Brgy. Mabini, Gamu, Isabela.

Kinilala ang nabugbog na si Robert Bilog residente ng Brgy. Mabini, Gamu, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay Ginoong Bilog na suporter ni dating Mayor Ando Cumigad at kumakandidatong Congressman ng ikalawang distrito ng Isabela, tatlong araw bago ang eleksyon ay dinampot at binugbog umano siya ng tumatakbong Alkalde ng Gamu na si Nestor Uy kasama ang tatlo pa nitong tauhan.


Gayunman ay nakaboto pa rin si Bilog habang nakasuot ng face mask at sumbrero kasama ang mga escorts at nagpapasalamat rin ito sa mga otoridad dahil sa pagbibigay sa kanya ng seguridad.

Samantala, iginiit ni Bilog na magbabakasyon muna ito sa ibang lugar upang mailayo anya sa mga taong nagbabanta sa kanyang buhay.

Facebook Comments