Hindi ikinaila ni Randy Frogosa, Deputy Spokesperson for OFW and Migrant Affairs ng Mayor Roa Rodrigo Duterte National Executive Coordinating Council o MRRD-NECC na wala silang pahintulot mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) para magsagawa ng rally sa Mediola kaninang umaga.
Ayon kay Frogosa, nagpadala lang sila ng sulat sa IATF at Philippine National Police (PNP) upang ipaalam na magsasagawa sila ng rally bilang pagpapakita ng suporta sa isinusulong na federalismo sa bansa.
Naniniwala naman siya na kung hindi napigilan ang kanilang rally ay dadagsa ang milyon-milyong tao upang makiisa sa kanilang panawagan.
Nabatid na dalawang araw sana magsasagawa ng rally ang MRRD-NECC sa Mendiola upang ipanawagan sa gobyerno na ituloy na ang Revolutionary government para sa federalismo.