Supplemental budget ng Maynila mula sa Bayanihan Grant, natanggap na ng LGU

Pinirmahan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang Ordinance No. 8629 series of 2020  para sa distribusyon ng Bayanihan Grant na ipinagkaloob sa Lungsod ng Maynila.

Nakatanggap ng kabuuang PHP 292,600,487 ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa ilalim ng Republic Act 11469 o Bayanihan to Heal as One Act na maaaring ilaan at gamitin para sa mga programa kontra COVID-19.

Sa ilalim ng naturang ordinansa, hahatiin ang budget sa mga departmento upang masuportahan ang iba’t-ibang mga proyekto at makabili ng mga medical supplies.


Ayon kay Yorme, hinati ang budget para sa mga hakbang upang labanan ang COVID-19, partikular ang pagbili ng test kits at PPEs kung saan para din ito sa welfare goods, medical supplies at medical equipment.

Ang dalawang bahagi ay ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) na may kabuuan na PHP 220,600,487 at Capital Outlay na nagkakahalagang PHP 72,000,000.

Pinakamalaking bahagi ng MOOE ay mapupunta sa Manila Department of Social Welfare (PHP 95,000,000) at nakalaan naman sa Manila Health Department ang buong Capital Outlay (PHP 72,000,000) kasama ng budget para sa medical supplies mula sa MOOE (PHP 69,700,000).

Facebook Comments