Supplier ng party drugs sa QC at Pasig City, natimbog ng PDEA at QCPD

36

Nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) ang isang supplier ng party drugs sa Quezon City at Pasig City.

Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang arestado na si Jhun Cabaya, alias “SkyHigh”, 33-anyos.


Isinagawa ang drug buy-bust operation sa Mother Ignacia Ave. Brgy South Triangle, Quezon City.

Nakumpiska sa suspek ang assorted party drugs na kinabibilangan ng 23 ecstasy tablets na may halagang P39,100; 25 flyhigh capsules na may halagang P42,500; 300ml liquid ecstasy na may halagang P90,000; isang unit ng Asus cellular phone na ginagamit sa mga transaksyon at buy-bust money na P171,600.

Facebook Comments