Kinumpirma ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na hindi nila babayaran ng buo ang supplier ng SD cards matapos pumalya ang halos 1,000 SD cards noong eleksyon.
Una nang inihayag ng Comelec na umaabot sa 961 vote counting machines at 1,253 SD cards ang pumalya sa kasagsagan ng halalan noong Lunes.
Ayon kay Guanzon, ang supplier ng marking pens at ballot paper na Triplex ay nakakuha ng P153.8M.
Ang kontrata naman aniya sa SD card main S1 Technologies & Silicon Valley Computer Group ay P22.6M.
Kapwa aniya hindi pa nababayaran ang naturang mga supplier.
Inupakan din ni Guanzon ang National Printing Office dahil sa aniya’y mali-maling pag-print ng mga balota.
May ilang probinsiya raw kasing iba ang naprint na mga kandidato sa mga balota.
Kinontrata raw ng NPO ang isang balota sa halagang P4 o katumbas ng mahigit 244-million pesos para sa mahigit 61,000 na botante sa bansa.