Inaasahang makukumpleto na ngayong buwan ang supply agreement para sa 100 milyong doses ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., hindi pa niya pwedeng ibunyag ang mga brand ng nasabing mga bakuna alinsunod sa confidential disclosure agreement.
Pero inaasahang maseselyuhan na ito sa katapusan ng Pebrero.
Paliwanag pa ni Galevz, kasama sa terms ng supply agreements ay ang mode of payments at schedule ng delivery ng mga bakuna.
Kasama rin sa pina-plantsa ay ang kukuhaning end-to-end cold storage facility.
Una nang sinabi ni Galvez na naka-secure ang bansa ng 106 hanggang 108 milyong doses ng Coronavirus vaccines matapos lagdaan ang limang term sheets kasama ang mga manufacturers.
Facebook Comments