Supply at presyo ng karneng baboy, stable pa rin

Nananatiling stable ang supply at presyo ng karneng baboy, isang linggo bago pumasok ang “ber” months kung kailan mataas ang demand.

Ito ang tiniyak ng Department of Agriculture (DA) sa kabila ng pinangangambahang kaso ng African swine fever (ASF) sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar – hindi masyadong gumalaw ang presyo ng baboy na indikasyong sapat ang supply nito.


Samantala, hinihintay pa ng ahensya ang resulta ng pagsusuri ng international laboratory bago isapubliko kung anong sakit ang tumama sa mga pinatay na baboy.

Habang wala pang resulta, magpapatuloy aniya ang quarantine measures ng DA.

Facebook Comments