Supply deal para sa 108 million vaccine doses, isasapinal sa susunod na linggo – Galvez

Nakakuha ang Pilipinas ng aabot sa 108 million doses ng COVID-19 vaccines at isinasapinal na ang supply agreements nito sa susunod na linggo.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ay mula sa pitong kumpanya, lima na ang napirmahan na term sheets.

Sa susunod na linggo, inaasahang mapaplantsa na ang supply agreements sa mga vaccine manufacturer kabilang ang natitirang dalawang natitirang kontratang nasa ilalim ng negosasyon.


Nang tangungin ni Pangulong Rodrigo Duterte kung gaano karami ang inaasahang vaccine supply, sinabi ni Galvez na aabot ito sa 146 hanggang 148 million doses.

Dagdag pa ni Galvez, ang darating na vaccine supply at dagdag sa 40 million doses ng vaccines ay manggagaling sa COVAX facility.

Una nang naglaan ang gobyerno ng ₱82.5 billion para sa vaccine procurement, kung saan magmumula ang pondo mula sa National Budget, Bayanihan 2 at loans mula sa multilateral lenders.

Facebook Comments