Supply ng baboy sa merkado, sapat – DA

Nanindigan ang Department of Agriculture (DA) na sapat ang suplay ng kanilang baboy sa merkado.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, tuloy-tuloy ang pagdadala ng baboy mula Mindanao sa mga palengke sa Metro Manila para mapunan ang kakulangan ng supply na nagdulot ng mga taas-presyo sa mga nakalipas na buwan.

Maliban dito, sinabi ni Dar na nasusunod na rin ang ipinag-utos nilang price cap sa mga palengke.


“We have more than enough hogs for Metro Manila and we have seen many of the wet markets, supermarkets have now rearranged their pricing within the price ceiling,” ani Dar.

Pero giit ni Manila Meat Dealers Association President Ricardo Chan, hindi namana araw-araw ay may suplay galing DA at wala ring maayos na sistema kung paano sila kukuha ng baboy.

Dahil dito, plano ng ilang tindero sa Commonwealth Market na muling tumigil sa pagbebenta sa Lunes dahil bukod sa kulang ang supply, tumaas muli ang farm gate price ng baboy na ikalulugi umano nila.

Facebook Comments