Supply ng bakuna sa second booster shot ng mga immunocompromised, tiniyak ng NVOC

Tiniyak ngayon ng National Vaccination Operations Center (NVOC) na sapat ang supply ng COVID-19 vaccines para sa pagbibigay ng ikalawang booster shots sa mga immunocompromised.

Ayon kay NVOC Chairperson Dr. Myrna Cabotaje, may sapat silang bakuna para sa primary doses, 1st at second booster shot.

Kahapon ay kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na aprubado na ang rollout ng ikalawang COVID-19 booster shot para sa mga immunocompromised persons, base sa rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC).


Kabilang sa mga mabibigyan nito ay ang mga pasyenteng may cancer, recipients ng organ transplants, HIV/Aids patients, at iba pa.

Itinakda ang rollout ng second COVID-19 booster sa mga immunocompromised persons sa lunes, April 25, 2022 nationwide.

Facebook Comments