SUPPLY NG BIGAS | DA, muling tiniyak na walang rice shortage sa bansa!

Muling nilinaw ni Department of Agriculture Secretary Manny Emmanuel Piñol na price manipulation lamang ang ginagawa ng ilang mga negosyante upang ipalabas na kulang ang suplay ng bigas.

Ito ang binigyan diin ni Piñol kasunod ng mga inspeksyon ng pulisya, kasama ang Bureau of Customs, kung saan nadiskubre ang nasa P300-milyong halaga ng bigas na nasa loob ng warehouse sa isang hindi pinangalanang negosyante sa bansa.

Ayon kay Piñol, sa katunayan ay nagsimula na ang mga magsasaka na anihin ang kanilang mga itinanim na palay upang tugunan ang paglobo ng presyo ng bigas sa mga palengkeng bayan.


Inihayag ng kalihim na magkakaroon ng price stability ng bigas sa buwan ng Nobyembre na hindi lalagpas sa P40 kada kilo na kayang-kaya ng mga mamimili.

Magugunitang dahil sa hindi agad nakapag-angkat ng bigas ang National Food Authority (NFA) mula sa mga karatig-bansa sa Asya ay iminungkahi ng ilang mambabatas na buwagin ang ahensiya dahil hindi raw ginagampanan ng mga opisyal ang kanilang mandato.

Facebook Comments