Nakitaan ng mga rice weevil o bukbok ang ilang sako ng inangkat na bigas ng National Food Authority (NFA) na nasa Subic Bay Freeport Zone at pantalan ng Tabaco City, Albay.
Ayon kay NFA Spokesperson Rex Estopacio, nasa 133,000 sako ng bigas ang posibleng apektado.
Dahil dito, wala munang ibinaba mula sa barko dahil kailangang isailalim ang bigas sa fumigation o pagpapausok ng mga gamot para mapuksa ang mga insekto.
Aniya, sisimulan ang pag-quarantine o paghiwalay sa bigas ngayong araw kung saan pito hanggang 12 araw ang kailangang hintayin bago mapatay ang mga bukbok.
Nilinaw naman ni Estoperez na natural lang na magkaroon ng mga bukbok ang mga bigas pero dapat ay mapatay muna ito bago dalhin sa mga bodega nila.
Tiniyak naman ng NFA na nasa responsibilidad pa ng supplier ang mga bigas na ito at sila rin ang gagastos para sa fumigation.