SUPPLY NG BIGAS | Kamara at DOF, nagkasundo na ipamahagi ang mga nakumpiskang smuggled rice

Manila, Philippines – Nagkasundo ang Kamara at Department of Finance (DOF) na ipamahagi na lamang sa mga kababayang nasalanta ng kalamidad ang mga nakumpiskang smuggled rice.

Sa pagdinig ng Kamara, positibo ang naging tugon ng DOF sa suhestyon na ito ni House Committee on Ways and Means Chairman Dakila Cua.

Sinabi ni DOF Undersecretary Karl Kendrick Chua na walang pagtutol si Finance Secretary Carlos Dominguez III na ipamigay sa mga nasalanta ng sunud-sunod na bagyo ang mga nakumpiskang bigas ng customs.


Ayon kay Chua, pinag-aaralan na nila ngayon kung sa paanong paraan maisasagawa ito.

Kaugnay nito, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (Dswd) Undersecretary Florita Villar na magsusumite sila ng umiiral na guidelines na sinusunod ng kanilang kagawaran sa pamamahagi ng mga donasyon na bigas mula sa gobyerno.

Nagsumite naman na si Cong. Cua ng liham kay Customs Commissioner Isidro Lapeña para hilingin na ibigay na lamang sa DSWD ang nasabat na 50,000 na smuggled na bigas.

Ipinauubaya naman ni Lapeña sa DOF at sa National Food Authority (NFA) ang pag-apruba sa mungkahing ito ni Cua.

Facebook Comments