Supply ng bigas, nananatiling sapat sa kabila ng pinsala na iniwan ng Bagyong Enteng sa sektor ng agrikultura ayon sa DA

Wala umanong dapat ipangamba ang bansa pagdating sa supply at presyo ng pagkain sa kabila ng pinsala sa sektor ng agrikultura ng Habagat na pinalakas ng Bagyong Enteng.

Ayon kay Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, umabot na sa mahigit ₱650-M na ang pinsala sa agriculture sector.

Tiniyak ni De Mesa na sapat ang supply at matatag ang presyo ng bigas sa bansa at iba pang produktong pang-agrikultura.


Aniya, maganda ang ani ng bigas nitong mga nakaraang buwan sa kabila ng El Niño at nasa 2.8 million metric tons ang dumating na imported ng bigas.

Dagdag ni De Mesa, mayroon pa ring ibang lugar na mapagkukunan ng gulay lalo na ang mga lugar na hindi naapektuhan ng bagyo.

Tiniyak din ng DA na sila ay maghahatid ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng Bagyong Enteng.

Facebook Comments