SUPPLY NG BIGAS | NFA, magsisimula nang ipamahagi ang inangkat na bigas

Manila, Philippines – Magsisimula na ang distribution ng National Food Authority (NFA) ng kanilang mga inangkat na bigas.

Ayon kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, dumating na sa Subic Port ang 220,000 sako ng NFA rice mula Vietnam at karagdagang 100,000 sako mula sa Surigao.

Aniya, kaagad ididiretso ang mga inangkat na bigas sa mga probinsya oras na matapos na ang unloading ng mga ito.


Kasabay nito, tiniyak ni Estoperez na matatanggap din ng Metro Manila ang share nito sa NFA rice pero posibleng matagalan pa aniya ang pagdating nito.

Nabatid na ang initial shipment sa Metro Manila ay 75,000 metric tons ng bigas o katumbas ng 1.5 million na sako.

Dagdag ni Estoperez, ibebenta ang inangkat na bigas sa parehong retail price na P27 per kilogram para sa regular milled rice at P32 naman para sa well-milled rice.

Facebook Comments