Manila, Philippines – Naikalat na ngayong umaga sa Quezon City ang inangkat na bigas ng National Food Authority (NFA).
Mismong inalam ni National Food Authority (NFA) Administrator Rebecca Olarte ang nag-inspeksyon sa Commonwealth Market para alamin kung lantad sa publiko o madaling nakikita ito at naibebenta sa tamang presyuhan.
Alas siyete kaninang umaga naglibot na sa apat na malalaking palengke sina NFA Administrators Jason Aquino at si NFA -NCR Director Carlito Go para i-monitor ang NFA rice.
Pupuntahan ng NFA officials ang Commonwealth Market at kasunod na dito ang Munoz Market, Kamuning at Mega Q-Mart market pawang nasa lungsod ng Quezon.
Ilan lamang ito sa mga pamilihan sa Metro Manila na binuhusan ng supply ng NFA rice dahil sa dami ng mahihirap na pamilya ang naghahanap ng murang bigas.
Una nang inanunsyo ng NFA na mabibili na sa merkado ang mga inangkat na bigas mula Vietnam at Thailand matapos dumating sa bansa ang inangkat nito sa ilalim ng government to government transactions.
Nasa P27 hanggang P32 pa rin ang presyo ng bawat kilo ng NFA rice.
Dahil sa pagpasok ng mas maraming NFA rice sa mga pamilihan ay inaasahan na ang pagbaba ng presyo ng bigas.