SUPPLY NG BIGAS | NFA rice hindi pa nakakarating sa pamilihan ng Cartimar sa Pasay

Pasay City – Hindi pa nakakarating sa Cartimar Pasay City ang mga iniangkat na bigas ng bansa mula Thailand at Vietnam.

Ayon kay Tatay Ernesto ng E&B Manigbas rice retailer, wala pang ibinibigay na impormasyon sa kanila kung kailan ide-deliver ang mga murang bigas.

Pero nasa Bulacan na aniya ang mga stock at nakatakdang i-deliver anumang araw mula ngayon.


Nitong Lunes, ilang pamilihan na sa lungsod ng Quezon ang mayroon ng itinitindang NFA rice habang kanina, available na rin ang NFA rice sa Marikina at San Juan City.

Tantya ng mga retailers sa Cartimar posibleng bago sumapit ang weekend ay mayroon na rin silang ititindang NFA rice.

Sa ngayon nasa P42 (Laon) at P43 (Sinandomeng) ang pinaka murang commercial rice ang itinitinda sa Cartimar.

Samantala, wala na rin simula noong isang linggo pa ang P39 na murang bigas o yung tulong sa bayan.

Paliwanag ng mga retailers mabilis itong naubos dahil sa mura.


Facebook Comments