Sapat pa ang supply ng bigas ng National Food Authority (NFA) para tugunan ang food requirement ng Metro Manila sa loob ng dalawang linggo.
Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal hindi raw dapat mag alala ang publiko dahil may stocks pang bigas ang available ang ahensiya depende sa pangangailangan.
Kabuuang 400,000 bags o 20,000 metric tons ng bigas ang nasa mga warehouses ng NFA sa Metro Manila.
Base sa data ng NFA, komukonsumo ng avarage na 110 libong bags kada araw ang Metro Manila hindi pa kasama ang mga stocks na nasa mga pamilihan, private sector at household.
Inaasahan ni Dansal na tataas pa ng 20% ang Market Share ng NFA kapag nagsimula nang mamili ang mga LGU ng kanilang rice requirement mula sa government-owned warehouses dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ipinaiiral sa Metro Manila.
Prayuridad ngayon ng NFA ang mga lgus na pagbentahan ng bigas maaari umano silang makipag ugnayan sa alinmang NFA warehouse sa kani kanilang hurisdiksyon.
Dagdag pa ni Dansal na mayroon din silang inihanda na 15,000 bags ng bigas para sa augment requirement ng Cavite Province.