Manila, Philippines – Iginiit ni Senador Bam Aquino sa pamahalaan ang mahigpit na pagbabantay sa pamamahagi ng inangkat na bigas ng National Food Authority o NFA.
Ayon kay Aquino, ito ay upang matiyak na mapupunta sa tamang pinaglaanan ang imported na bigas.
Nangangamba si Aquino na baka mapunta muli ang buffer stock ng abot-kayang bigas sa kamay ng mga traders o negosyante at ibenta ito sa mas mataas na presyo.
Ikinatwiran ni Aquino na bigas ang bumubuhay sa mga Pilipino araw-araw kaya kailangan itong pagtuunan ng pansin ng gobyerno at tiyaking palaging mayroong sapat na supply ng murang bigas sa merkado.
Facebook Comments