SUPPLY NG BIGAS | Problema sa bigas sa bansa, iimbestigahan

Manila, Philippines – Iimbestigahan ng house committee on agriculture and food ang problema ng bansa sa bigas.

Ito ay sa gitna ng mga panawagang buwagin ang National Food Authority (NFA) dahil sa problema sa supply at pagtaas ng presyo ng bigas.

Ayon kay Committee Chairperson, ANAC-IP party-list representative Jose Panganiban, ipatatawag nila ang mga opisyal mula sa NFA at Department of Agriculture (DA) para mabigyang linaw sa kongreso ang isyu.


Ani Panganiban, hindi katanggap-tanggap na ang tone-toneladang bigas ay kontaminado ng pesteng bukbok.

Saku-sako ring bigas ang hindi pa rin mailabas at mai-deliver sa mga daungan dahil sa naranasang masamang panahon.

Facebook Comments