May sapat na suppy ng bigas sa bansa.
Ito pagtitiyak mismo ni Pangulong Bongbong Marcos matapos makipag pulong sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) sa Malacañang kahapon.
Sa isang panayam sinabi ng pangulo na hindi nagkukulang ang bigas sa bansa pero ang pinag-aaralan nila ngayon ay kung papaano makokontrol ang presyo nito.
Bukod dito ayon sa pangulo, ang nakikita nilang problema ngayon ay kakulangan ng buffer stock kaya plano nilang mag-import ng bigas para maparami ang buffer stock sa NFA.
Batay sa DA 2023 supply outlook, mayroong 16.98 milyong metric tons ang supply ng bigas sa bansa na sasapat sa kakailanganin ngayong taon na 15.29 metric tons.
Ayon pa sa DA ang matitirang 1.69 metric tons ay equivalent sa 45 araw na buffer stock sa halip na 90-day ideal buffer stock para mapanatili ang presyo ng bigas.
Kaya nag-propose ang NFA na mag import ng 330,000 metric tons ng bigas na sagot sa kakulangan ng buffer stock ng bansa para sa mga relief operation ngayong taon nang ibat ibang ahensya ng gobyerno.
Sinabi pa ng mga Agriculture official na ang proposed buffer stock ng bigas ay equivalent sa syam na araw na national consumption mula July 2023 hanggang sa mga susunod na buwan habang ang relief requirements ay mula Hulyo hanggang Disyembre ngayong taon.