Supply ng convalescent blood plasma, kulang na

Halos limampung porsyento (50%) ng mga COVID-19 patient na nakatanggap ng convalescent blood plasma ang nakitaan ng mabilis na paggaling.

Ito ang inihayag ngayon ng Philippine General Hospital kasunod ng pag-sisimula ng clinical trial sa convalescent plasma therapy para sa mga moderate COVID-19 patient.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PGH Spokesperson Jonas Del Rosario na batay sa kanilang initial experience, mas epektibo ito kung maibibigay sa pasyente ng mas maaga bago lumala ang kanyang kondisyon.


Pero, aminado ang opisyal na nagkukulang na ang supply ng convalescent plasma sa PGH dahil kakaunti na ang COVID-19 survivors na nagdo-donate ng kanilang dugo.

Bunsod nito, hinimok ni Del Rosario ang mga gumaling sa COVID-19 na magdonate ng kanilang dugo kung saan maaari silang tumawag sa PGH hotline na 155-200.

Kasabay nito, sa interview ng RMN Manila, inihayag ni Sen. Sonny Angara na naglunsad sila ng website na “plasmapagasa.com” na naglalayong hikayatin ang mga COVID survivors na magdonate ng kanilang dogo upang makatulong sa iba.

Si Angara ay dalawang beses nang nagdonate ng kanya plasma makaraang gumaling sa COVID-19.

Facebook Comments