Supply ng COVID vaccine sa bansa, hindi pa sapat para sa lahat ng healthcare workers – DOH

Aminado ang Department of Health (DOH) na kulang pa rin ang dumating na COVID-19 vaccines para sa mga health workers sa bansa kaya mahalaga pa ring masunod ang priority vaccination list.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroong 1.8 million na health workers sa mga ospital at komunidad pero nasa 250,000 hanggang 260,000 lamang ang maaaring mabakunahan ng kasalukuyang supply ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Iginiit naman ni Vergeire na hindi kasama sa priority vaccination list ang pamilya o kaanak ng health workers.


Pero ang mga nabakunahan nang kaanak ng health workers ay mabibigyan pa rin ng ikalawang dose ng vaccine.

Facebook Comments