Target ng Department of Energy (DOE) na maibalik ang supply ng kuryente sa mga lugar na napinsala ng Bagyong Rolly bago mag-Pasko.
Ayon kay DOE Secretary Alfonso Cusi, nagtutulong-tulong na ang energy sector para matukoy at mapabilis ang pagkukumpuni sa mga pasilidad na naapektuhan ng bagyo.
Aniya, ayaw nilang mahirapan at maabala ang mga tao dahil sa kawalan ng suplay ng kuryente.
Sa pagtaya ng National Electrification Administration (NEA), mayroong P2.8 billlion halaga ng poste ng kuryente ng iba’t ibang kooperatiba ang napinsala ng Bagyong Rolly.
Patuloy namang inaalam ng energy sector ang kabuuang pinsala ng bagyo kaya hindi pa sila makapagbigay ng iba pang detalye kaugnay nito.
Facebook Comments