Tiniyak ni Energy Undersecretary Felix Fuentabella na target nilang mabigyan ng supply ng kuryente ang buong Bicol Region at Southern Tagalog bago mag-Pasko.
Ayon kay Fuentabella, natapos na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang pagkuha ng datos kaugnay sa kabuuang bilang ng mga transmission structure na sinira ng Bagyong Rolly sa Bicol Region at Southern Tagalog.
Paliwanag ng pangalawang kalihim, sa kabuuan umabot sa 755 na mga transmission structures ang totally damage at kailangang isaayos ng NGCP.
Umabot naman sa 47 na mga toppled backbone structure ang sinira din ng Super Typhoon Rolly.
Dahil dito, agad sinimulan ng NGCP ang pagkukumpuni ng mga nasirang transmission structure upang maibalik ang supply ng kuryente habang nagdala na rin sila ng libo-libong rolyo ng mga kable para palitan ang mga naputol na kawad.