Supply ng kuryente sa Davao del Sur, hindi naapektuhan ng malakas na lindol – NGCP

Walang naitalang pinsala sa supply ng kuryente sa Davao del Sur ang  magnitude 6.9 na lindol kahapon.

Sa  kalatas pambalitaan ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, nanatiling intact ang Mindanao grid at walang reports ng damaged sa mga transmission facilities nito.

Maging sa kalapit lalawigan  kung saan naramdaman ang pagyanig ay wala ring ulat na pinsala sa power transmission services ng NGCP.


Samanatala, nakumpleto na rin ng NGCP ang restoration ng power transmission  ng Daraga-Ligao 69kv line na nagsisilbi sa franchise area ng APEC sa Albay.

Ang pagkasira ng pasilidad ay bunga ng pananalasa noon ni bagyong Tisoy.

Facebook Comments