Ilan pang lugar na lubhang pinerwisyo ni bagyong Tisoy ang nagkaroon na ng normal na supply ng kuryente.
Base sa kalatas na inilabas ng National Grid Corporation of the Phils., kabilang sa mga transmission lines na nakumpuni na ay ang Palanas Cara-Catarman-Allen 69kv line segment na nagbibigay serbisyo sa NORSAMELCO.
Ganap na ring naibalik ang transmission services sa mga lalawigan ng Batangas, Laguna, Quezon, Camarines Norte at Eastern Samar.
Maging ang supply ng kuryente sa buong franchise area ng CASURECO 2, at 4 at ilang parte ng Casureco 3 ay naibalik na rin sa normal na operasyon.
Itoy matapos makumpleto na ang pagkumpuni sa Naga- Lagunoy 69kv line.
Gayunman may mga lugar pa rin ang nanatiling bagsak ang transmission lines ng NGCP.
Kabilang dito ang Daraga-Sorsogon 69kv transmission line, Daraga -Sto Domingo transmission lines, Daraga-Legaspi trnasmission lines,Sorsogon-Bulan transmission lines ,at Daraga -Ligao transmission lines na pawang nasa South Luzon.
Nanatili ding hindi operational ang 69kv transmission line ng Catarman- Lao ang sa Visayas at ang 6 na 230 kv transmission line segment na nakaapekto sa transmission services sa Carmarines Sur, Albay at Sorsogon.
Tinitiyak naman ng NGCP na ginagawa nila ang lahat para matapos na ang pagkumpuni sa mga sirang transmission lines.