Supply ng kuryente sa ilang lugar sa Cagayan, bumagsak dahil sa bagyong Quinta

Lubhang pininsala ni Tropical Depression Quinta ang mga power distribution facility sa lalawigan ng Cagayan.

Sa ulat ng National Electrification Administration (NEA), kabilang sa mga lugar na lubhang nakaranas ng masungit na panahon ang mga bayan ng Claveria at Sta. Praxedes.

Dahil sa malalakas na hangin at ulan, nagkaroon ng mga landslide at pagbaha at ilang poste ng kuryente ang nabuwal at inanod.


Nanatiling walang supply ng kuryente ang ilang bahagi ng Callungan, Magacan, Tokitok, San Andres at Namuac sa Sanchez Mira.

Kabilang din ang lahat ng barangay sa Claveria, Sta. Praxides, Sta. Elena at Sta. Filomena sa Calanasan, Apayao.

Tiniyak naman ng Cagayan Electric Cooperative 2(CAGELCO 2) na maibalik ang normal na serbisyo ng kuryente kapag ligtas at maayos na ang panahon.

On-going pa ang line patrol ng mga linemen para malaman pa ang mga posibleng pinsala ng bagyong Quinta.

Facebook Comments