Manila, Philippines – Hinikayat ng palasyo ng Malacañang ang mga mayayamang negosyante na mamuhunan sa pagtatayo ng malalaking oil depot sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Ito ang sinabi ng Malacañang matapos ihayag ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na patuloy ang pagdating ng imported diesel galing Russia na isang hakbang ng pamahalan para matiyak ang energy security.
Hindi aniya makapag-aangkat ng mas maraming langis dahil hindi naman sapat ang oil depot sa bansa kaya maiging mag-invest ang pribadong sector sa pagtatayo ng mga oil depots nang sa ganon ay mas marami pa ang maiangkat na langis at mapababa din ang presyo ng petrolyo sa bansa bukod pa sa pagpapalakas ng energy security ng Pilipinas.
Facebook Comments