Supply ng livestock, nanatiling stable ayon kay PBBM

Nanatiling sapat ang suplay ng livestock sa bansa at hindi maapektuhan ng El Niño phenomenon.

Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ambush interview sa World Trade Center matapos pangunahan ang opening ceremony ng International Trade Fair for Innovative Production and Processing for Poultry and Livestock.

Pero ayon sa pangulo, kailangang ipagpatuloy ang mga proyektong pang imprastraktura at sistema para mapanatili ang supply ng livestocks.


Ang problema lang ngayon ayon sa pangulo ay ang African Swine Fever (ASF) at Avian Influenza.

Pero magkakaroon na aniya ng roll out ng bakuna para dito na malaking tulong para makontrol ang ASF at Avian Influenza sa livestock sa bansa.

Facebook Comments