Supply ng manok sa bansa, nananatiling sapat – UBRA

Tiniyak ng grupo ng magmamanok na walang problema sa supply nito sa bansa.

Ayon kay United Broilers and Raisers Association (UBRA) President Gregorio “Joji” San Diego, sobra-sobra pa nga ang supply sa bansa dahil sa mga imported na manok.

Aniya, ang nagiging problema lang nila ngayon ay ang gobyerno dahil sa tila pag-e-endorso pa ng mga ito sa imported na manok.


Giit ni San Diego, kaya bahagyang tumaas ang presyo ng manok ay dahil may mga breeder na ayaw ng magbenta ng sisiw dahil ilang buwan na silang nalulugi.

Facebook Comments