Naglatag ng mungkahi ang mga Senador na kabilang sa minorya para matiyak ang sapat na suplay ng pagkain habang umiiral ang lockdown o community quarantine dahil sa COVID-19.
Pangunahing dito ay hayaan ang mga food manufacturers na makapag-operate kung saan pwede silang maglaan ng shuttle services para sa kanilang mga manggagawa basta’t masusunod ang social distancing.
Hiling din ng minority senators na luwagan ang pagbyahe ng mga van at delivery trucks para sa mga supplies at materyales na kailangan ng mga food manufacturers at para sa paghahatid ng kanilang mga produkto sa mga sari-sari stores, groceries, supermarkets at distributors.
Paliwanag ng minority group, pinakamabisang solusyon sa panic buying at pinangangambahang riot dahil sa kakulangan ng pagkain ay punuin ng food items ang mga pamilihan dahil may karapatan sa food security ang mamamayan.
Ang senate minority bloc ay kinabibilangan nina Senators Leila De Lima, Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan at kanilang leader na si Senator Franklin Drilon.