Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi kakapusin sa supply ng pagkain ang bansa sa gitna ng nararanasang ng El Niño.
Sa ambush interview, sinabi ng pangulo na mayroong sapat na supply ng bigas kahit pa natutuyot na ang mga taniman.
Sa katunayan aniya ay tumaas pa ang ani sa mga lugar na mayroong patubig dahil sa mga bagong farming techniques at pinahusay na irrigation system.
Pero aminado ang pangulo na sadyang maraming sakahan ang apektado ng tagtuyot, bagay na tinutugunan naman daw ng pamahalaan.
May nakahanda na aniyang plano ang pamahalaan sa natuyong taniman tulad ng paglalagay ng mga dam at solar power pump.
Facebook Comments