Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na nananatiling sapat ang supply ng pagkain sa bansa, partikular ang manufactured products.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, walang dapat na ipag-alala ang publiko dahil walang problema sa manufactured products ang bansa kung kaya’t hindi dapat bumili ng marami o mag-imbak ng maraming supply upang hindi maubos ang laman ng shelves sa mga pamilihan.
Dagdag pa ni Castelo na hindi lamang sa implementasyon ng suggested retail price (SRP) nakatutok ang DTI dahil mino-monitor din ng pamahalaan ang produksyon ng mga pagkain at wala aniya silang nakikita na mangyayaring kakapusan.
Matatandaang nauna nang nilinaw ng opisyal na ang price adjustment na inaprubahan ng gobyerno para sa mga piling pangunahing produkto ay naglalaro lamang sa P0.50 centavos hanggang P1.