SUPPLY NG TUBIG | Maraming Pilipinong mahihirap, kulang ang access sa tubig na maiinom – PSA

Manila, Philippines – Maraming Pilipinong mahihirap ang kulang ang access sa maiinom na tubig.

Base sa 2017 annual poverty indicators survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), apat sa bawat 10 Pilipinong pamilya o 38.6% ng households ang kumukuha ng tubig sa water-refilling stations.

Lumalabas din na dalawa sa bawat 10 pamilya o 20.3% ang kumukuha ng maiinom na tubig sa kanilang gripo habang 12% naman ay galing sa poso.


May ilang pamilya ang hirap na maka-access sa inuming tubig dahil 5.7% ang nagsasabing hindi ito available, 1.4% ang nagsasabing mahal ang singil habang 1.1% ang naghayag na hindi ito accessible.

Facebook Comments