Supply ng tubig sa Metro Manila, nakadepende sa Angat Dam  

Tanging sa Angat Dam lamang umaasa ang Maynilad at Manila Water para sa supply ng tubig.

Nang pumasok ang dalawang Water Concessionaire noong 1997 nasa higit anim na Milyon lang ang kostumer nito.

Pero nag-triple ito pagdating ng 2018 na nasa 16 na Milyong kostumer.


Ang average na konsumo ng Manila Water ay 1,000 liters kada araw habang 900 meters sa Maynilad.

Ang National Water Resources Board (NWRB) ang namamahala ng alokasyon ng tubig sa Angat Dam habang ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang may responsibilidad sa paghahanap ng bagong source.

Facebook Comments