Supporta kay Sec. Gina Lopez, tiniyak ni Sen. Sotto

Manila, Philippines – Ngayong araw magbobotohan ang mga Senadorat Kongresista na miyembro ng Commission on Appointments, Committee on Environmentand Natural Resources kung iko-confirm o ire-reject ang appointment ni Sec.Gina Lopez.
  Si Senate Majority Leader Tito Sotto III, tiniyak angboto pabor kay Lopez.
  Para kay Sotto makabubuti para sa DENR si Sec. Lopez kayamainam na bigyan ito ng pagkakataon na manungkulan.
  Ito aniya ang unang pagkakataon na magkakaroon ang DENRng kalihim na environmentalist.
  Binanggit pa ni Sotto na wala pang bahid ng korapsyon sakatawan si Lopez.
  Hindi rin isyu para kay Sotto, ang mga video na kumakalatkung saan makikitang kumakanta si Sec. Lopez sa harap ng mga empleyado ng DENR.
  Maliban kay Sotto, unauna ng nagpahayag ng suporta kay Sec.Lopez sina Senators Loren Legarda at Manny Pacquiao na chairman din ng CA Committeeon Environment and Natural Resources.
  Samantala, maliban sa closed door na botohan para kay Sec.Lopez ay gaganapin din ngayong umaga ang pagsalang naman sa CA hearing ni Dept.of Social Welfare ang Development Secretary Judy Taguiwalo.
   

Facebook Comments