Supporter ng Kandidato, Patay matapos Kidnapin!

550

Cauayan City, Isabela – Patay ang isang suporter ng kandidato matapos kidnapin ng mga hinihinalang mga New People’s Army (NPA) sa Brgy. Asinga Via, Baggao, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Jomar Alonzo, nasa hustong gulang, may asawa at residente ng Brgy. San Isidro Baggao ,Cagayan.


Batay sa nakuhang report ng 98.5 RMN Cauayan, dakong alas onse ng gabi noong ika anim ng buwang kasalukuyan ng kidnapin ang biktima kasama ang isa pang supporter habang namamahagi ng mga campaign materials nang biglang dumating ang tatlumpung armadong hinihinalang mga NPA at sapilitang dinala sa hindi mabatid na lugar.

Matapos ang ilang minuto ay pinalaya at inutusan ang kasamahan ng biktima ng mga NPA upang ipaalam sa kanilang sinusuportang kandidato at kailangan makipag-ugnayan sa kanila para sa kalayaan ng biktima.

Agad namang tumawag ang kumakandidatong alkalde sa mga NPA ngunit hinihingan nila ng P210,000.00 bilang kapalit ng kalayaan ng biktima.

Dahil hindi kaagad naibigay ang hinihinging halaga ay pinatay ng mga hinihinalang NPA ang biktima matapos matagpuang wala ng buhay.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga kapulisan hinggil sa naturang pangyayari.

Facebook Comments

From Advertisers