Binigyang-linaw ng ilang supporters ni San Quintin Mayoral Candidate Councilor Farah Lee Lumahan ang umano’y pagkwestyon sa financial status ng konsehal para makapagpatayo ng ilang istruktura tulad ng sariling bahay.
Base sa video presentation ng mga ito, nakatatak na sa track record ng pamilya ng konsehal ang pagiging businessmen na nakapagpatayo ng maraming business establishments sa bayan simula pa 2005.
Ipinakita rin ang video mula sa meeting de avance ni Mayor Florence Tiu na tinutukoy umano ang pamana ng posisyon mula sa kaanak kahalintulad ng pagpapasa ng mana ng ari-arian ng pamilya Lumahan.
Ayon sa mga supporters, hindi umano nasusukat sa apelyido ng isang tao ang pagiging magaling na lider kundi sa gawa o aksyon para sa taumbayan.
Dagdag ng mga supporters, mga plataporma ang nararapat na ilatag sa pangangampanya at umiwas sa paninira.
Ang San Quintin ay isinailalim ng COMELEC sa yellow Category areas of concern. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨