Makikita sa video ang ilang supporters ni Miranda na nananawagan sa COMELEC na imbestigahan ang nangyari umanong 4,255 rejected ballots.
Ayon pa sa mga taga-suporta, may nangyari umanong vote buying mula sa kampo ng elected-mayor na si Tan kung saan may ebidensya rin umano sila na nagbabayad ng P1,000 sa mga botante na nakabalot sa sample ballot.
Bukod pa dito, ayon sa mga supporters na may ilang balota ang umano’y pinagpupunit ng mga pulis.
Sinisikap naman ng news team na mahingan ng komento ang COMELEC hinggil sa sinasabing iregularidad ng kampo ni Miranda.
Batay sa partial/unofficial results ng COMELEC, nakakuha ng boto ang nanalong Mayor na si incumbent 4th District Congresswoman Sheena Tan ng 43,416 habang ang katunggaling si Miranda ay 42,631.