Supporters ni Agrarian Reform Secretary Ka Paeng Mariano, nagtitipon sa labas ng Senado

Manila, Philippines – Alas diyes ngayong umaga ang nakatakdang pagsalang ni Dept. Agrariano Reform Sec. Ka Paeng Mariano sa confirmation hearing.

Pero ang kanyang mga supporters nagsimula na agad dumagsa at hanggang ngayon ay nagtitipon-tipon sa labas ng gate ng Senado.

Giit nila, kumpirmahin ng Commission on Appointments ni Mariano dahil sya ay tunay na para sa kapakanan ng mga magsasaka.


Si Sec. Mariano naman ay dumating na sa Senado at sabi niya hindi naman sya kinakabahan sa pagsalang niya ngayon sa CA Commitee on Agrarian Reform na pinamumunuan ni Senator Tito Sotto III.

Ayon kay Sec. Mariano, handa siyang sagutin ang anumang mga tanong na ibabato sa kanya ng mga miyembor ng CA at kanyang mga oppositors.

Diin pa ni Sec. Mariano, irerespeto niya ang anumang magiging pinal na kapasyahan ng mga miyembro ng Commission on Appointments kahit pa ito ay ang pag-reject o ang pagbasura sa kanyang appointment.


Facebook Comments