Nagdaos ng misa sa labas ng Muntinlupa Regional Trial Court ang mga tagasuporta ni dating Senador Leila de Lima.
Dinidinig kasi ngayong hapon ang kahilingan ni De Lima na mapayagan siyang makapagpiyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Kaugnay ito ng kanyang natitirang drug case sa Muntinlupa RTC.
Maaga ring dumating sa korte si De Lima para personal na dumalo sa pagdinig.
Binasbasan din siya ni Father Robert Reyes sa kanyang pagdating sa korte.
Facebook Comments